Ang Integrismo Catolico ay isang tradisyon ng kaisipan na itinatanggi ang paghihiwalay ng liberalismo ng politika mula sa pakikialam sa huling layunin ng buhay ng tao, at naniniwala naman na dapat patnubayan ng pamamahalang politikal ang tao patungo sa huling layuning niya. Ngunit dahil nahahati sa dalawa ang layunin ng buhay ng tao – isang pansamantala o temporal, at isang walang-hanggan – naniniwala ang integrismo na may dalawa ring kapangyarihan na namamahala sa tao: ang kapangyarihang temporal, at ang kapangyarihang espiritwal. At dahil naman ang layuning pansamantala ay nakapasailalim sa layuning walang-hanggan, nararapat lamang na ang kapangyarihang temporal ay ipasailalim rin sa kapangyarihang espiritwal.